It's been two years when I first heard the Pink Sisters Convent in Tagaytay. Since then lagi kami nagpaplano na pumunta kaya lang lagi di natutuloy kasi minsan bitin sa pamasahe from Caloocan pa kasi kami o kaya naman minsan may pasok pag Sunday ang husband ko. Pero last Sunday (Oct. 28, 2012) sa wakas natuloy din kami.
We woke up at exactly 3:30 in the morning para mag-ready, we live the house at exactly 5 in the morning. Nag LRT lang kami from 5th avenue station to Edsa station, then we took the bus na byaheng Alfonso, Tagaytay. Dahil nga medyo bitin sa budget nag-ordinary bus lang kami, Php. 60 ang fare from Edsa hanggang sa Pink Sister Convent.
Nakarating kami dun ng 7:30am kasi medyo mabagal ung bus at lagi nag-aantay ng pasahero. Pagbaba namin ng bus lumakad pa kami papunta dun sa convent, kahit malayo pa kami naririnig na namin ung misa. Di na kami nakapasok sa loob ng simbahan dun na lang kami sa gilid, pero kahit nandun lang kami sa labas malinaw na malinaw naming naririnig ang sermon ni father. Habang nagmimisa di ko mapigil na iikot ang aking mata sa paligid, parang nasabi ko sa sarili ko na "sa wakas narating din kita".
No comments:
Post a Comment